Ang kagila-gilalas na kuru-kuro ni Conrado de Quiros na sumasalamin sa saloobin ng lahat ng Pilipino patukoy sa kahindik-hindik na ginawa ni Gloria Macapagal Arroyo at ng kanyang mga alipores habang nasa Estados Unidos. Buti na lang at ito ay kanyang isinulat sa wikang Tagalog para maintindihan ng mga mangmang na nilalang sa ating gobyerno.
May araw din kayo by Conrado de Quiros in Philippine Daily Inquirer.
Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.
Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.
Panalo, Conrado, panalo.